Monday, October 10, 2011

Isang Huwebes Umulan III





Mahal,

Uuwi na ako
Habang mahina pa ang ulan.

Kasi, tama ka rin naman.
Wala kang hiningi sa akin
Kusa lang akong nagbigay.

Kung tutuusin
Hindi kita kailangan.
Kapara ng
Hindi mo rin ako kailangan.

Ninais kong maging lahat-lahat sa'yo
Bawat hampas ng pighati
Ay iniwasan ko.

Sumakay ako sa alon
Ng matatamis mong kwento
Ng mas matamis mong ngiti
At ng pinakamatamis mong

---at maiiinit pang---

Halik.

Natural,
Nag-impake na ako,

Hindi ko na iinumin
Ang kapeng inihanda mo.

(Baka sa panahong
hipan ko at amuyin ang
pabugso-bugso nitong
halimuyak, ay maalala ko pa
ang mga bulong mo
sa gitna ng mga maulang gabi.)

Sukdulan na.

Sinagad mo at sinunog
Ang mga tulay sa puso ko.

Paalam.


Hindi mo lang ba ako
Pipigilan?

No comments:

Post a Comment